Objectification Paradox Ito, Pepe-Chan

0050 Happy Weekend yo! At gaya nga ng pinakita ng buhay ni Rizal satin, WALANG FOREVER. ‪#‎Forevermore‬ At dapat bago matapos ang Linggo may bago tayong historical knowledge! Seiko Usui ang tunay na ngalan ni Osei-san. Ngunit bakit O-sei ang tawag ni Pepe-chan sa kaniya? Well, dahil noong araw sa Japan hanggang sa noong Meiji-jidai (Panahong Meiji), ang “O” ay ‘honorific’ na prefix (unlapi). Dinadagdag ang ‘O’ sa ngalan ng mga lumang Hapones. So kung Yuki ang pangalan, nagiging O-yuki. Kaya Imbis na Sei-san, naging O-sei. Doble galang na ang O-sei san.

At ganito dapat ang reaksyon niyo kapag ayaw basahin ng boylet o girlet niyo ang tisis niyo. Lintik siya. Nanggaling nga po pala ako ng Nextcon noong nakaraang Sabado kasama ang kay huhusay ng komikero at komikera ng Anino Comics. Bumili ako ng LIGHT ni Rob Cham at ng PIKO pambatang komiks – kay huhusay na libro at nararapat nating lahat mabasa! At kung nais niyo MASAKSIHAN ang kahihiyang ginawa ko noong Nextcon, tumungo na po rito sa: http://arkadymac.com/2015/…/21/nexcon-2-heroes-rising-day-1/ Salamat sa pagsaksi at pag-dokumento sa nakakahiya kong sarili, G. BRYAN MACABALES. Thanks for your awesome photography and documenting powarz. Also: Sino si Link? Hindi ako nakapag-papiktyur kasama si Link nung Nextcon. Umuwi akong lugmok sa lungkot dahil dito.

2 thoughts on “Objectification Paradox Ito, Pepe-Chan

Leave a comment